Skip to main content

Featured Post

RNG Bank Salary Loan Table for DepEd Teachers

Salary Loan Table - RNG Coastal Bank RNG Bank offers salary loan for permanent DepEd teaching and non-teaching staff thru Automatic Payroll Deduction System (APDS). Features: 📍LOW INTEREST RATE 📍LOAN AMOUNT UP TO 500,000 📍5 YEARS MAXIMUM LOAN TERM 📍NO HIDDEN CHARGES 📍NO NEED TO GO TO THE OFFICE A Bank that is built with trust and integrity and committed to provide quality and safe banking services to its existing and future clients, RNG Coastal Bank, Inc . is a banking institution established in the year 1974. The Bank has 15 operating branches in the Visayas, 11 in Cebu and 4 in Bohol. Providing various financial products and services to its clients for almost 50 years, RNG Coastal Bank remains strong and continuously grows its number of branches to reach more Filipinos. Here are the branches of RNG Coastal Bank: RNG Coastal Bank Head Office Cor. Cabancalan Road, Talamban, Cebu City 6000 Labangon Branch Punta Princesa, (Labangon) Cebu City Asturias Branch Poblacion, Asturias, Ce...

Ang Hiling ni Baluakan - Catchup Friday Reading Material


Sa paanan ng Bulkang Pinatubo, nakatira ang mag-asawang sina Baluakan at Bikang. Sadyang napakasipag at napakatiyaga ng mag-asawa. Sa kabila nito ay napakatagal at ilang taon na ang nilipas ng kanilang natatanging kahilingan. Isang kahilingan na inaasam na dumating sa bawat araw.


Isang umaga.
“Baluakan, nakahanda na ang almusal. Kain na tayo,” wika ni Bikang.
“Sige Bikang kain na tayo at ng makapunta na tayo sa bukid,” sagot ni Baluakan.
Pagkatapos kumain, inihanda na ng mag-asawa ang mga kagamitan sa paghahanda ng taniman at saka nagtungo sa kanilang bukid.


Sa kanilang paglalakad patungo sa bukid ay nakasalubong nila si Nanay Epang.
“Saan kayo pupunta mga anak?” tanong ni Nanay Epang.
"Pupunta po sa bukid upang maihanda ang lupang pagtatamnan,” wika ni Baluakan.
“Aba! Sobrang sipag naman ninyo. Para saan ba ang pagsisikap na ginagawa ninyo?” tanong ni Nanay Epang.
"Iyon nga po eh, hanggang ngayon wala pa rin ang aming inaasam-asam na biyaya,” sagot naman ni Bikang.


"Sige, mga anak, hintayin na lang ninyo. Pasasaan ba at darating din iyan. Mag-ingat kayo,” sabi ni Nanay Epang.
“Ingat din po kayo,” sambit ng mag-asawa.


Pagdating ng mag-asawa sa bukid ay nagsimula na silang maghanda ng lupang pagtatamnan. Inayos ni Baluakan ang halak na ilalagay sa lupang pagtatamnan at pagsasagawa ng ritwal. Samantala, si Bikang naman ay nagluto ng nilagang kamote at nagpainit ng tubig para sa kape. Pagkatapos ng trabaho, masaya silang nagsalo sa meryenda na inihanda ni Bikang.


Kinagabihan, napasarap ang tulog ng mag-asawa dahil sa pagod. Sa kalagitnaan ng gabi, biglang nagising si Baluakan sa isang panaginip.
“ Bikang, asawa ko," sabi ni Baluakan.
“Ano iyon, anong nangyari?" tanong ni Bikang.
“Nanaginip ako! “Maganda daw magtanim doon sa lugar na nilagyan ko ng hal-ak,” ang masayang sagot ni Baluakan.
“ Ah! Maganda pala kung ganoon. Salamat, Apo Namalyari,” sagot ni Bikang.


Araw-araw ay palaging nasa bukid ang mag-asawa. Nagtutulungan sila sa paggawa sa bukid. Nilinis na nila ang kanilang lupang taniman at kumuha rin ng mga kasama na magaararo at magtatanggal ng mga damo.


Nakatuon sa bukid ang buhay ng mag-asawa. Inaalagaan nilang mabuti ang kanilang pananim tulad ng palay. Pagod man sa pagtatrabaho sila naman ay masaya. Nanatili ang pagmamahal at pagsusumikap nilang dalawa kahit na alam nila na may kulang sa buhay nila.


Isang gabi, naabutan ni Baluakan sa may balkonahe si Bikang na may malalim na iniisip. Nakita niya may bakas ng luha ang kanyang mga mata. Kaagad niya itong inusisa.
“Ano ang bumabagabag sa iyo, Bikang?" tanong niya.


“Baluakan, napakapalad ko dahil sa iyong pagsisikap, pagaalaga, at pagmamahal sa akin. Ngunit ang tanging makapagpupuno sa ating pagsasama ay hanggang ngayon hindi ko pa rin maibigay sa iyo,” buong kalungkutan na nasambit ni Bikang.

Ramdam ni Baluakan ang bigat sa puso ni Bikang kaya siya ay nag-isip ng paraan kung paano mapasayang muli ang asawa.


Sumanggani si Baluakan sa mga nakatatanda sa kanilang tribo. Iisa lamang ang kanilang kasagutan, ang pananampalataya sa kapangyarihan ni Apo Namalyari.


Taos sa puso ni Baluakan na maibibigay ni Apo Namalyari ang tanging kahilingan nila ni Bikang. Pinangunahan ni Baluakan ang panalangin na nakaharap sa silangan o lugar na kung saan sumisikat ang araw. Kasunod ang pagsindi ng talo at panalangin ng mga baliyan.


Lumipas ang mga araw, buwan, at taon. Ang kanilang kahilingan ay sadyang napakailap kina Baluakan at Bikang. Ngunit ito ang lalong nagpatibay sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.


“Bikang, halika at may dala akong mga sariwang prutas mula sa ating bukid,” yaya ni Baluakan.
“Salamat Baluakan,” sabi ni Bikang. Agad na kinain ni Bikang ang hinog na mangga.


“Ako ay tutungo na sa bundok upang manghuli ng ibon para sa ating hapunan,” paalam ni Baluakan.
Agad na tumango si Bikang na may ngiti sa labi sabay paalala na mag-ingat . Alam niya na ito ay tanda ng panunuyo ni Baluakan sa kanya.


Maaliwalas ang kalangitan. Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong kay Baluakan kasabay ang masasayang huni ng mga ibon. Tila may lumukob sa katauhan ni Baluakan. Ang sikat ng araw sa silangan ay tila sumasabay sa sanglibong biyaya sa mga nilikha.


Napausal ng taimtim na panalangin si Baluakan.
“Apo Namalyari, salamat po sa patuloy na biyaya na ibinibigay mo sa amin. Patuloy pa rin po kaming nanampalataya sa iyo na iyong pagbigyan ang aming kahilingan ni Bikang,” buong pusong pagsusumamo ni Baluakan.


Agad na sinalubong ni Bikang ang asawa at ipinaghanda ng kape. Isang masayang hapunan ang pinagsaluhan ng mag-asawa na parang bagong kasal.
“Bikang, ikaw ang katuparan ng aking mga pangarap. Mapalad ako at ikaw ang binigay sa akin para makasama habang buhay,” pahayag ni Baluakan.
“Salamat, Baluakan, ikaw man ay napakahalaga sa aking buhay,” sagot ni Bikang.


Sa mga sumusunod na araw ay mayroon nang kakaiba na napapansin sa tindig ni Bikang. Maging ang mga kapwa niyang kababaihan ay nagkaroon na ng haka-haka. Isang makahulugan na ngiti ang nababakas sa mukha ni Baluakan.


Nagising si Bikang mula sa mahimbing na tulog. Napansin din ni Baluakan na nag-iba ang pakiramdam ni Bikang. Agad niyang sinapo ang pulso at nagulat sa kakaibang tibok nito.


Ang kahilingan ni Baluakan ay nabigyan na ng katuparan sa biyaya ni Apo Namalyari. Tunay nga na mayroon ng munting buhay sa sinapupunan ni Bikang. Ang kaniyang pagdadalang tao ay nagbigay na kaligayahan sa mag-asawa.


“Bikang, lubos ang aking pasasalamat kay Apo Namalyari dahil natupad na ang ating kahilingan,” pahayag ni Baluakan.
“Tama ka, ang ating pananampalataya ay nakatulong na mabigyan tayo ng anak,” sang-ayon ni Bikang.
Higit pang nagmahalan ang mag-asawa at sabik na hinintay ang pag-luwal sa kanilang anak.


Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang batang lalaki na may malusog na pangangatawan ang kapiling na ng mag-asawa. Laging sumasama si Botsokoy saan man sila magpunta.


“Salamat, Apo Namalyari," pasasalamat ni Bikang.
“Tatay, sama po ako sa bukid natin,” sabi ni Botsokoy.
"Sige, basta maglakad ka,” pabirong sagot ni Baluakan sabay sakay sa kanyang balikat.
Buong kasiyahan na pinagmasdan ni Bikang ang kanyang magama sabay usal ng,"Salamat, Apo Namalyari."

Inhulat ni: Cristina A. Pangilinan boy Neddie D. Duplon Inggolit ni: George P. Gamboa boy Dongil  B. Bayani Sambal Botolan, Filipino

See the original content here.
See the English version of the story here.

Comments

Popular posts from this blog

BDO NETWORK BANK LOAN TABLE FOR TEACHERS (5 YEARS)

5-Year Term BDO Network Bank Loan Table For DepEd Teachers Another bank is willing to lend our dear teachers in the Department of Education an amount with a reasonable interest rates. The BDO Network Bank offers permanent teachers in DepEd a loan which is paid through Automatic Payroll Deduction System or APDS. How to apply for a Teacher's Loan? Simply visit the nearest BDO Network Bank Branch or Loan Officer and bring the following requirements: Original copy of the latest three (3) months payslips One (1) 1x1 ID picture and two (2) valid government-issued IDs Photocopy of the Letter of Appointment with original copy as presented to BDO Network personnel GSIS Index Practical and Affordable Loan up to P750,000 and enjoy low interest rate through APDS, for maximum loan term of 5 years. No late payment charges, no notarial fee, no pre-termination fee and no co-maker required Includes FREE Credit Life Insurance What is BDO Network Bank? BDO Network Bank (commonly known as BDO NB, fo...

📎 Here is the Link for e-IPCRF Submission SY 2024-2025

As the Department of Education continues to embrace digital transformation , teachers are now expected to accomplish and submit their Individual Performance Commitment and Review Form (IPCRF) using a fully digital system. For School Year 2024–2025 , DepEd reinforces the use of the official Excel-based e-IPCRF tool , ensuring streamlined processing, greater data accuracy, and centralized records. Unlike in previous years, the submission process no longer relies on printed documents or manual collation. Instead, it leverages a secure online platform to handle the task efficiently. So, if you’re asking, “Where is the link for e-IPCRF submission?” —look no further. The answer is just a few scrolls away. 🖊️ Accomplishing the e-IPCRF: Every Detail Counts Every teacher (ratee) is required to fill out their IPCRF using the DepEd-provided Excel-based e-IPCRF tool . The data for SY 2024-2025 must be encoded with care and precision. Before finalization, the Rater and Approving Authority ...

Here are the Submission Links and CRLA, RMA Assessment Tools

The Department of Education (DepEd) is kicking off the new school year with a focus on ensuring every child in Grades 1-3 gets the support they need to succeed. This exciting initiative involves the administration of the Rapid Mathematics Assessment (RMA) and the Comprehensive Literacy Assessment (CRLA) . Why are these assessments important? Early Identification: Identifying areas where students might need extra help allows teachers to tailor interventions early on, maximizing their learning potential. Targeted Support: The insights from these assessments will pinpoint specific skill gaps and pave the way for targeted support programs. No learner gets left behind! Championing Equity: Data gathered will provide a nationwide picture of student performance. This allows DepEd to focus resources and support on areas that need it most, promoting educational equity across the Philippines. When and How will the Assessments Take Place? Timeline: Assessments will be conducted nationwide bet...

Free Download Editable DTR or Civil Service Form No. 48

For employees in both government and private sectors, keeping track of attendance and work hours is an essential administrative task. The Daily Time Record (DTR) or Civil Service Form No. 48 is a crucial document used to record an employee's daily work hours and absences. In an effort to streamline this process and assist hardworking professionals, we are pleased to offer a hassle-free solution. In this blog post, we provide a downloadable and editable DTR form that will simplify your record-keeping tasks, ultimately saving you valuable time and effort. Download this offline editable DTR. Download it first to edit.  ( To download this editable DTR, simply click the link above and when it opens in another window to show the DTR online format, click file at the upper left corner and click download on the drop down menu, then choose Microsoft Excel format ) Why is the DTR Form Important? The DTR form serves as an official record of an employee's attendance, leave credits, tardine...

Understanding Grade Transmutation in DepEd

Understanding Grade Transmutation in DepEd In the Philippine education system, grade transmutation is the process of converting raw scores into equivalent grades. This ensures consistency and fairness when assessing student performance. DepEd follows specific guidelines for transmuting grades, allowing educators to evaluate students objectively. How Does Grade Transmutation Work? Initial Grades : Students receive raw scores (usually out of 100) for their assessments, exams, and projects. These initial grades serve as the basis for transmutation. Transmuted Grades : To convert initial grades into transmuted grades, DepEd uses a predefined scale. Let’s take a closer look at the scale: Table Initial Grade Range Transmuted Grade 100 100 98.40 – 99.99 99 96.80 – 98.39 98 … … 68.00 – 69.59 80 Below 68.00 60 Interpreting the Scale : For example, if a student scores between 98.40 and 99.99, their transmuted grade will be 99. Similarly, an initial grade of 85.60 – 87.19 corresponds to a transm...